Daniel Padilla, naka-relate sa lyrics ng Hinahanap-Hanap Kita; Napa-mura!

Viral ngayon sa social media ang pagkanta ng aktor na si Daniel Padilla sa kanyang birthday celebration sa Tanauan, Batangas.

Ayon kasi sa mga netizens, parang dinaan na lang ng aktor sa pagkanta ang kanyang tunay na nararamdaman para sa dati nitong kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Nang kantahin nito ang classic na ‘Hinahanap-Hanap Kita,’ tila parang naka-relate siya sa lyrics.

Sa interlude part ng nasabing kanta, napasigaw na lang si Daniel sa part na “Mukha yatang nilimot na ng pusong mong biglang lumisan at (P—-) may kapiling nang iba.”

Ani ng mga netizens, tila parang nagpapaka-sad boy si Daniel para siya ang magmukang biktima sa hiwalayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *