Dapat solusyunan ng susunod na DOE chief ang basic problem ng power supply – Sen. Gatchalian

Hiniling ni Senate energy committee chairman Sherwin Gatchalian na dapat solusyunan ng susunod na kalihim ng Department of Energy (DOE) ang basic problem ng power supply sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, pareho pa din umano ang problema kung saan naka-yellow alert status pa din ang Luzon Grid.

Aniya, hindi makakatulong sa pag-enganyo ng foreign investors ang mababang power supply sa Pilipinas.

Samantala, hinimok ng senador ang papalit na secretary na siguruhin na gumagana ang planta ng naturang power supply. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *