DAR, naresolba na ang kaso ng agawan ng lupa sa Hacienda Tinang sa Tarlac

Matapos ang tatlong dekada, inihayag ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na maipapamahagi na sa 450 pamilya ang mga titulo sa lupain ng Hacienda Tinang sa Concepcion,  Tarlac.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni  Estrella, matapos nilang ilabas ang resolusyon, wala ng nag protesta at nag apela. Dahil dito aniya, final at executory na ang desisyon.

Sa susunod na dalawang linggo, inaasahang maipapamahagi ang mga titulo ng lupa sa nabanggit na bilang ng mga benepisyaryo mula sa kabuuang dalawang daang ektaryang lupain.

Ayon kay Estrella, ang kaso ng hacienda Tinang ay isa lamang sa 2, 300 na iba pang kaso ng awayan ng lupa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *