Dating alkalde ng bayan ng Juban na may kasong graft, sumuko

Boluntaryong sumuko ang dating Municipal Mayor ng bayan ng Juban, Sorsogon sa himpilan ng Pulisya matapos na lumabas ang warrant of arrest nitong October 18, 2023 dahil sa kasong graft.

Sumuko si dating Mayor Antonio “Cama” Alindogan, 65 taong gulang at residente ng Barangay Tughan ng nasabing bayan sa mga personahe ng Juban MPS.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nang malaman umano ng dating alkalde na lumabas na ang kanyang warrant of arrest ay tinawagan nito ang Juban Muniicpal Police Station para sumuko.

Kahapon ay agad na pumunta ang warrant officer ng nasabing himpilan ng Pulisya para isilbi sa dating opisyal ang warrant of arrest nito sa Bicol Access Health Centrum Hospital sa Naga City.

Si Alindogan na kasalukuyang naka-confined sa nasabing ospital ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 3 paragraph J ng RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Branch 66, Sorsogon City na may inirekomendang piyansa na aabot sa 90K pesos.

Sa huling imposmasyon na ipinalabas ng Juban MPS, nakapaglagak na ng piyansa si Alindogan habang nanatili pa rin ito sa ospital sa Naga City.

Si Alindogan ay nagsilbi ng 9 na taon bilang alkalde ng nasabing bayan. Ang kanyang asawang si Gloria ay siyang alkalde ngayon ng Juban.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *