Dating OFW, kalaboso sa buy-bust sa Rosario, Batangas

Nakadetina na ngayon ang isang lalaki matapos na maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Colongan, Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Cortez Ramos Rizo, 45-anyos, dating Overseas Filipino Worker (OFW) at residente ng naturang barangay.

Sinabi sa Brigada Batangas ng pamunuan ni PMaj. Ronnie Baliwag Aurellano, hepe ng naturang himpilan, nakuha sa suspek ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu na nasa .08 grams ang timbang at 500 pesos na buy-bust money.

Batay sa imbestigasyon, matagal nang minamanman ng mga otoridad ang suspek dahil sa report na ito ay matagal na umanong gumagamit ng iligal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *