Dating Pangulong Rodrigo Duterte papalag sakaling arestuhin ng ICC

Papalagan umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling arestuhin siya ng mga taga-International Criminal Court kaugnay sa drug war.

Giit pa ng dating Pangulo wala itong hurisdiksyon sa kanya.

Paniwala rin ni Duterte na walang kinalaman dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi rin siya humihingi ng tulong dito.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na walang gagawin ang kanyang administrasyon para tulungan ang ICC.

Sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra tanging ang PNP at ibang law inforcement agency lang ang otorisadong maghain ng arrest warrant sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *