Dating Provincial Coordinator ng isang Partylist nahaharap sa isa pang asunto

SORSOGON CITY – Sa loob na ng piitan inihain ang arrest order sa dating provincial coordinator ng isang Partylist na una nang naaresto sa pamamagitan ng search warrant sa kasong pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, bala at Granada.

Tanghali ng Miyerkules, Enero 19, sa loob ng BJMP-Sorsogon City, nang matanggap ng akusado na si Revor Jesoro Lasay, 42-anyos ang kanyang warrant of arrest sa panibagong kaso na Sexual Harassment sa ilalim ng RA 7877 na may relasyon sa RA 10175 o  Cyber Crime Prevention Act of 2012 na inisyu ng RTC Br 52 at may itinakdang piyansa na P36,000.00.

Kung babalikan, si Lasay ay inaresto matapos na makuhanan ito ng hindi lisensyadong mga baril, bala at Granada sa loob ng kanyang bahay noong buwan ng Agosto ng nakaraang taon.

Si Lasay ay kandidato sa Halalan 2022 bilang Vice-Governor sa ilalim ng PDP-Laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *