Dating U.S first lady Rosalynn Carter, may sakit na dementia

KINUMPIRMA ng pamilya ni dating U.S President Jimmy Carter na may sakit na “dementia” ang dating first lady ng Estados Unidos na si Rosalynn Carter.

Sa isang statement  inihayag ng pamilya Carter na sakabila ng naturang kondisyon ay mapayapa at masayang namumuhay ang mag-asawa sakanilang tahanan sa Georgia.

Ang 95-anyos na si Rosalynn Carter ay ilang dekadang isinulong ang kanyang mental health advocacy na mas pang napaigting sa loob ng panunungkulan ng asawa bilang pangulo ng Amerika simula 1977 hanggang 1981.### JUMEL DELA ROSA, (Reuters)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *