Datos ng halos 600 empleyado ng DOST, apektado ng data breach

Matapos na ma-hack ang computer system ng Department of Science and Technology, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang National Privacy Commission.

Sa isang pahayag ng NPC, lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na naapektuhan ang personal na datos ng nasa limandaan at siyamnaput pitong empleyado ng DOST.

Bukod pa rito, kasama sa data dump na in-upload ng threat actor ang ilang resume ng mga indibidwal na aplikante ng ahensya na masusing iniimbestigahan ngayon ng NPC Complaints and Investigation Division.

Matatandaang napasok ng mga hacker ang sistema ng DOST kamakailan kung saan nasa 2 terabytes umano ng data ang nakompromiso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *