De Lima, pinapapatawan ng indirect contempt ni Atty. Topacio

Naghain ng petisyon sa Muntinlupa Rgional Trial Court si Atty. Ferdinand Topacio upang hilingin sa korte na patawan ng indirect contempt ang ilang opisyal na nagbigay ng kumento sa publiko kaugnay sa kaso ni dating Sen. Leila De Lima.

Kabilang sa nais ni Atty Topacio na patawan ng indirect contempt si De Lima, Sen. Risa Hontiveros, Albay 1st Dictrict Rep. Edcel Lagman, Atty. Filibon Tacardon , Atty. Dino de Leon , Cristina Palabay at Renato Reyes.

Sabi sa petisyon na ang pagbibigay ng public comment sa huling kaso ni De Lima ay contemptuous conduct na posibleng makaapekto sa administration of justice.

Samantala, sa isang panayam sa isa sa respondent at legal counsel ni De Lima na si Atty Tacardon, hindi pa nila nababasa ang naturang petisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *