De Lima, umapela sa iba pang testigo na sundan ang ginawa ni Espinosa

Umapela si Senadora Leila de Lima sa iba pang mga tumestigo laban sa kanya na sundan ang mga ginawang hakbang ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa para mabunyag na ang katotohanan.

Sa pahayag, sinabi ni de Lima na umaasa siyang isisiwalat na rin ng iba pang mga testigo ang katotohanan nang sa gayon ay mabigyan na ng hustisya ang kanyang pagkakakulong.

Sa ngayon, napatawad na raw niya ang mga nag-akusa’t nagpakalat ng mga kasinungalingan laban sa kanya.

Sa huli, sinabi ni de Lima ang tangi lang niyang kahilingan ay mapanagot ang dapat managot sa isyu na ito at makamit na ang totoong hustisya.

Bago ito, una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring maharap sa kasong perjury si Espinosa matapos ang gianwa nitong pagbago ng kanyang tesminonya.

Ayon sa Kalihim, kahit na hindi naman opisyal na testigo si Espinosa sa mga drug charges laban kay de Lima – sa oras na magsinungaling ka habang ikaw ay ‘under oath’ ay tiyak na makakasuhan ka ng perjury.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *