National

Deadline ng SIM card registration dapat palawigin ng 1 o 2 buwan – Solon

Dapat umanong palawigin ng isa o dalawang buwan pa ang deadline ng SIM card registration, ayon kay Camarines 2nd District Rep. LRay Villafuerte .

Dalawang linggo bago ang deadline sa April 26, sinabi ni Villafuerte na wala pang 40% ng tinatayang 168 milyong SIM number ang nairehistro na.

Ibig sabihin aniya nito, na sa loob ng limang araw o mula April 7 hanggang 11, mayroon lamang humigit-kumulang apat na milyon o 800,000 kada araw ang nairerehistrong SIM. Kung mananatili ang naturang numero hanggang April 26, 12 milyon pang SIM card ang mairerehistro o halos 85 milyong cards lang.

Nauna nang nanawagan ang Globe Telecom at Smart Communications na palawigin ang deadline upang mabigyan ng dagdag na panahon ang mga konsumer.

Kabilang umano sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi pa nakakapagparehistro ay dahil sa kawalan ng valid ID at problema sa internet connection.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago