Mahigit sa P217 milyong halaga ng financial at iba pang uri ng assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.
Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, kabilang na dito ang relief goods at non food items.
Mahigit sa 178,000 katao ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at mga kalapit na lugar.
Ayon sa datos ng DSWD, 37,871 pamilya o 178,306 indibidwal ang apektado ng oil spill sa Calabarzon, Mimaropa, at isang bahagi ng Western Visayas.
Samantala, nasa P58.5 milyon din ang naipamahagi sa ilalim ng cash-for-work program ng gobyerno.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Palasyo noong Marso, naglaan ang DSWD ng P116 milyon para sa 18,762 apektadong mangingisda na nag-avail ng “cash-for-work” program nito.
EInanunsyo ng National Irrigation Administration na magbebenta sila ng P29 kada kilo ng bigas simula…
Kinokonsidera ng Pilipinas na magsagawa na lang ng mga aerial mission para muling mag-supply sa…
Binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na nakalulungkot na maraming mga Pilipino ang…
BNFM BICOL-INILABAS na ng Civil Service Commission O CSC Bicol ang listahan na naglalaman ng…
NAGA CITY – Nakabantay ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa alinmang pamilya…
NAGA CITY - Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal…