Decriminalization sa libel ng mga ‘legit media’, isinulong

Sinuportahan ni Senador Raffy Tulfo ang mga panukala para sa decriminalization ng libel para sa mga lehitimong mamamahayag.

Sa pagdinig ng Senate committee on Public Information and Mass Media sa isyu ng fake news sa bansa, idiniin ng Senador ang pagaalis-kulong sa mga libel charges na inihahain laban sa mga traditional journalists.

Sinabi ni Tulfo na bilang isang brodkaster gaya niya, nagiging balakid ang kasong libel sa mga nais nilang i-expose na mga katiwalian.

Hindi naman sakop sa suhestyon ni Tulfo ang umano’y mga ‘hao-siao’ reporters pati na rin ang mga umano’y abusadong netizens na walang ginawa kundi mag-‘attack and collect’.

Tila ‘di naman pabor dito si UP associate professor at press freedom advocate Danilo Arao dahil ang ginawang paghihiwalay sa mga professional media practitioners sa mga non-professional ay magdi-‘discourage’ ng citizen journalism.

Sa kabila niyan, nakakuha ng suporta si Tulfo mula sa iba’t ibang mga media organizations.

Kaugnay nito, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na patuloy pa ring inaaral ang accreditation ng mga vloggers.

Sa huli, muling tiniyak ni OPS Usec. Ina Reformina na suportado nila ang lahat ng mga hakbang para masiguro ang katotohanan sa lahat ng uri ng mass media.

Kaisa umano ang OPS at ang Palasyo sa paggsugpo sa fake news sa bansa.
#

RELATED STORIES:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *