Defense Sec. Teodoro: walang ‘failure of intelligence’ sa MSU bombing

Nanindigan si Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang “failure of intelligence”
sa panig ng Philippine National Police o ng Armed Forces of the Philippines sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University.

Sa isang panayam, sinabi ni Sec. Teodoro na failure to appreciate intel ang nangyari.

Ayon kay Teodoro, kailangang repasuhin ang polisiya ng MSU na naghihigpit sa pagpasok ng pulisya at militar sa unibersidad at inihambing pa niya ito sa ngayo’y kanselado nang UP-DND accords.

Maaalalang, dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Maute Group ang nakilala nang suspek sa pag-atake, na kinilalang sina Kadapi Mimbesa o “Engineer,” at Arsani Membesa o “Khatab.”

Dalawang persons of interest pa ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *