Dela Rosa, handang magpa’putol ng leeg’ kung si VP Sara ang nasa likod ng ‘Oplan Tokhang’

Nanindigan si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na handa siyang magpaputol ng kanyang leeg.

Ito ay kung mapapatunayan ni retired police at dating Davao Death Squad (DDS) member Arturo Lascañas na si Vice President Sara Duterte talaga ang nasa likod ng ‘Oplan Tokhang’ sa Davao City.

Ayon kay Lascañas sa nakaraan nitong presscon, si VP Duterte ang nag-imbento ng bagong trademark na extrajudicial killing sa ilalim ng pangalang “tokhang”.

Samantala, agad naman din itong pinabulaanan ni VP Duterte sabay sabing “new script” lang ito ni Lascañas.

Maalala, ayon sa mga human rights group, umaabot sa mahigit 30,000 ang namatay sa isinagawang anti-drug operation na tokhang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *