DepEd, dapat tiyakin na wala ng mga mali sa learning module ngayong S.Y. 2021-2022 – Sen. Gatchalian

Ipinatitiyak ni Senador Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na dapat mas maging maganda ang kalidad ng mga learning modules na ipagagamit sa mga mag-aaral ngayong School year 2021-2022.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Education, may mahigit dalawang buwan ang DepEd para repasuhing maige ang mga learning modules bago magbukas ang klase sa Setyembre kaya hindi aniya dapat makalusot sa imprinta ang mga pagkakamali.

Kailangan aniyang paganahin ang quality assurance sa division levels ng DepEd.

Ipinunto pa ng mambabatas na nakabatay sa mga learning modules ang pagkatuto ngayong ng mga mag-aaral lalo na at malabo pang maipatupad muli ang face-to-face classes.

Mababatid na noong nakaraang school year ay may mga naitalang sablay o pagkakamali sa mga modules kabilang na ang mga maling grammar, maling impormasyon at bastos o di kaaya-ayang mga salita.

Nauna na ring inirekomenda ng Senador sa DepEd na repasuhin at bawasan ang siksik na curriculum ng elementarya hanggang sekondarya at ang mga subjects lamang na kailangan sa pamumuhay ang dapat pagtuunan na maituro sa mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *