DepEd, inaaaral na ang pagkakaroon ng mga security guards sa mga paraalan

Inuumpisahan na ng Department of Education ang pagbabalangkas sa isang memorandum circular katuwang ang Department of Interior and Local Government, pati na rin ang Department of Budget Management na layong magkaroon ng mga security guards sa mga paaralan.

Ito pa rin ay matapos ang ulat ng umano’y pagpasok ng armadong lalaki sa isang paaralan sa Ocampo Camarines Sur kung saan ay inabuso pa umano ang apat na mga guro.

Ayon sa DepEd, sa ilalim ng memo na kanilang binubuo, papayagan ang mga local government units na gamitin ang kanilang Special Education Fund o SEF para mag-hire ng kahit isang security guard sa bawat paaralan.

Muli namang tiniyak ng DepEd na pananagutin nito ang dapat mapanagot sa insidente at mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Nanawagan naman ito sa mga tauhan ng Philippine Naitonal Police na tiyakin ang kaligtasan ng mga learners at mga guro, at maprotektahana ng mga ito laban sa ano mang uri ng banta.

Bago ito, una nang kinumpirma sa Brigada NewsFM Naga na nagtalaga na ng mga kapulisan sa mga paaralan sa Camarines Sur para matiyak ang seguridad ng mga guro at estudyante rito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *