Deped nagtalaga ng mahigit isang libong mga guro na para sa halalan sa May 9

Nagtalaga ng mahigit isang libong mga guro sa Olongapo ang Department of Education o Deped.

Ito ay para magsilbing mga member of electoral board, supervisors, officer, school board election inspector sa May 9 election.

Ayon sa Deped Olongapo, sa kabuuan ay 1,140 na mga guro at punong guro ang maghahati-hati sa 23 polling places para sa 172 vote counting machines o vcm sa 17-barangay ng lungsod.

Samantala, mula sa mahigit isang libong bilang ay kasama na rito ang safety protocol officer, medical personnel, IPP support staff at iba pa.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *