DepEd, nilinaw na hindi pa pinal ang pagtatanggal ng Mother Tongue Subject

Nilinaw ng Department of Education na hindi pa naman pinal ang pagtatanggal ng Mother Tongue subject sa Grades 1-3.

Ito ay makaraang sabihin ni Education Undersecretary Epimaco Densing na posibleng alisin ang naturang asignatura bilang bahagi ng ginagawa nilang pagde-decongest sa K-12 curriculum.

Umani naman ito ng batikos mula sa ilang mga grupo at sinabing mahalaga pa rin ang pagtuturo sa lenggwahe ng isang learner.

Sa isang panayam, sinabi ni Education spokesperson Atty. Michael Poa na nagpapatuloy pa rin ang konsultasyon sa mga stakeholders para rito.

Nagkakaroon pa rin daw ng pag-aaral sa iba pang mga dapat baguhin sa K-12 bilang bahagi ng pagrerepaso sa naturang programa.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *