DFA, hinihintay matapos ang imbestigasyon bago mapauwi ang labi ng OFW na si Marjorette Garcia

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hinihintay na lamang nila na matapos ang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay sa Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia bago maiuwi ang labi ni Marjorette Garcia.

Ayon kay DFA Asec. Paul Cortes, na patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Matatandaan na natagpuan ng mga awtoridad ng Saudi na puno ng dugo at may ilang mga saksak sa katawan si Garcia.

Nahuli na rin ang suspek sa karumal dumal na krimen at patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa isasampang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *