‘Di pagpunta ni PRRD sa libing ni PNoy, posibleng para maiwasan ang overcrowding’

Posible umanong dahil iniiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang overcrowding kaya di ito dumalo sa paglilibing kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III nitong weekend.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, di nya alam ang eksaktong dahilan kung bakit no show ang pangulo sa inurnment pero posibleng dahil na rin ito sa pandemya.

Gayunman, sinabi ng kalihim na nakausap ng pangulo ang mga miyembro ng pamilya Aquino para ipahayag ang kanyang pakikiramay.

Aniya, nag-offer ang Palasyo na bigyan ng honors ang dating pangulo pero nirerespeto umano ng Malacanang ang naging desisyon ng Aquino family para sa inurnment ng dating president Noynoy.

Sinabi ni Roque na nais sana ng pangulo na magpunta sa Heritage Park kung saan unang dinala ang mga labi ni PNoy para sa cremation pero dinala na ang abo sa Aquino residence sa Quezon City nang matapos ang meeting ng punong ehekutibo sa Malacanang.

Mababatid na nagdeklara ng 10 araw na national mourning si pangulong Duterte mula June 24 hanggang July 3 at ipinag-utos na i-half mast ang mga awatawat ng Pilipinas sa mga tanggapan ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *