National

DICT, inamin na kulang ang cybersecurity professionals sa Pilipinas

Inamin ng Department of Information and Communications Technology na hindi sapat ang bilang ng mga cybersecurity professionals sa Pilipinas.

Sa press briefing kahapon , sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy , isa sa mga pangunahing concern ng ahensiya ay palakasin pa angĀ  kakayahan sa cybersecurity at cyberdefence ng bansa. Gayunpaman, inamin ni Uy na hanggang ngayon, kulang pa rin ang bilang ng mga certified cybersecurity experts sa Pilipinas na aabot lamang sa 200.

Sa tinatayang 200 cybersecurity professionals, 30 percent lamang ang nasa bansa. Hindi bababa sa 70 percent ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Maraming Pilipino, ayon kay Uy, ang may talento at sa katunayan, may kaalaman pagdating sa larangan ng information and communications technology, ngunit karamihan ay hindi kuwalipikado sa trabaho dahil wala silang mga credentials o certification.

Upang matugunan ang isyung ito, binigyang-diin ni Uy na ang departamento ay nagsusumikap na palakasin ang interes ng publiko sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa na magbibigay kaalaman sa mga ito.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Mala-‘free trial sa impiyerno’ na panahon – dapat nang solusyunan! – Rep. Manuel

Umapela si Kabataan party-list Representative Raoul Manuel sa gobyerno na gumawa na ng mga hakbang…

7 mins ago

Mga unibersidad sa Pilipinas bigong makapasok sa Top 100 ng 2024 THE Asia University Rankings

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng 2024 The Asia University…

1 hour ago

Kakulangan ng bakuna kontra pertussis, problema ng mga Municipal Health Office

CAMARINES SUR - Problema ngayon ng mga Municipal Health Office sa mga Lokal na Pamahalaan,…

2 hours ago

Adjusted working hours sa NCR kasado na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang adjusted working hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng…

2 hours ago

Tropa ng mga pusa, ni-raid ang ref ng kanilang fur mom

VIRAL ngayon ang kakaibang pagbabayanihan ng tropa ng mga pusa para ma-raid ang refrigerator at…

2 hours ago

Most Rev. Alarcon, mainit na sinalubong bago ang pag upong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY - Nag-abang sa ilang mga pangunahing kalsada ng Naga City ang maraming mga…

2 hours ago