Naghihintay pa ng payo mula sa mga eksperto ang Department of Health sa panggamit ng 2nd COVID-19 booster shots para sa general population.
Sa kasalukuyan, ang 2nd booster dose ay ibinibigay lamang sa mga health workers, matatanda, at mga may sakit.
Gayunpaman, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sumulat na sila sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para suriin ang paggamit ng second booster shots para sa natitirang populasyon.
Tiniyak din niya sa publiko na a ang unang booster dose ay epektibo pa rin laban sa critical at severe COVID-19.
Iniulat ng ahensya na 73 million katao o 94.41% ng target population sa bansa ay ganap na ngayong nabakunahan. Sa bilang na ito, 21 million na ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 booster shots.//CA
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…