Digitalization ng financial management ng Albay Treasurer’s Office, isinasakatuparan na

LEGAZPI CITY – Isinasakatuparan na ngayon ang digitalization ng financial management at tax info system ng Albay Treasurer’s Office.

Ang nasabing digitalization ay isa sa 5-point agenda ni Governor Atty. Edcel Greco Lagman.

Ayon kay Provincial Treasurer Mayflor Atos-Deang, mas madali ang pangangasiwa ng pera ng publiko sa pamamagitan ng paggamit ng mga digitalization application.

Mula sa pagpapatakbo, pagmamapa ng buwis, appraisal assessment at records conversion, halos lahat ay isinama na ngayon sa Rameses Program para sa computerization at pag-automate ng mga talaan ng data.

Binanggit din ni Deang na kamakailan lang, ipinakilala sakanila ang isa pang digitalization app na tinatawag na ‘I Concept Solutions’, na nagbibigay ng madaling pag-record at pag-link ng mga file mula sa Treasurer sa Accounting Office nang sabay-sabay.

Ayon pa kay Atos, mas maganda umano ang application dahil mas madali, mas nakaka promote ng efficiency sa public finance management handling, lalo na kung isasaaalang-alang ang office handles supervision para sa labing limang (15) municipal treasury offices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *