DILG, hinimok ang publiko na bumoto sa baranggay elections

Inaanyayahan ni Department of Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga botante na gamitin ang kanilang karapatan bumoto hinggil sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon kay Abalos, sinabi nito na dapat pumili ang mga voters ng mga karapat-dapat na umupo sa lokal na pwesto upang totoo nitong mapagsilbihan ang taong-bayan.

Samantala, hinggil naman sa ‘generally peaceful’ na BSKE 2023 sa Metro Manila, sinabi ng DILG Secretary na ito’y bunga ng collective efforts ng iba’t ibang ahensya sa bansa.

Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng DILG, katuwang ang National Capital Region Police Office, Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensya sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *