Diokno, kumpiyansang makakamit ang target na economic growth sa pagtatapos ng taon

Tiwala ang economic managers ng Marcos administration na magtutuluy-tuloy pa ang pagbuti at paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng mataas na inflation na naitala nitong nagdaang buwan.

Sa isang business forum na dinaluhan ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kanyang sinabi na mataas ang tiyansang ma-hit ng gobyerno ang tinatarget na economic growth nito bago matapos ang taon.

Posible aniyang lumagpas pa sa 7% ang paglago ng gross domestic product (GDP) sa kabila ng pinangangambahang recession sa global economy.

READ MORE:

Aniya ang year-to-date GDP ng Pilipinas ay naga-average na sa 7.7% kaya naman higit pa ito sa tina-target na 7.5%.

Para makuha ito, kinakailangan na lamang ng 3.3% na growth sa huling kuwarter ng taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *