Djokovic, bigo sa Serbia Open final vs second seed Rublev

Hindi nagtagumpay si Novak Djokovic para sa kanyang unang titulo ngayong taon.

Pag-amin ng world number one, naubusan umano siya ng hangin sa three sets defeat kay Russia’s Andrey Rublev sa final ng Serbia Open.

Ang second seed na si Rublev ay nanalo sa 6-2, 6-7 (4/7), 6-0 laban sa top seed na target sana na muling mabawi ang winning form bago ang kanyang French Open title defense sa susunod na buwan.

Nabatid na ang Belgrade event sa kanyang hometown ay pangatlo lang ngayong 2022 para kay Djokovic, matapos na madeport mula sa Melbourne at hindi pinayagang depensahan ang kanyang Australian Open title, matapos na pumasok sa bansa nang hindi bakunado.

Samantala, sa kabilang ng pagkatalo ng 20-time Grand Slam winner dahil sa kakulangan ng physical form, nananatili parin itong upbeat para sa kanyang layunin na makuha ang third French Open crown. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *