Susuportahan ng Department of National Defense (DND) ang mga diplomatikong pamamaraan para masigurong mareresolba nang mapayapa ang ‘di umano’y ‘forced recovery’ ng rocket debris ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na tinanggap niya ang rekumendasyon ni National Security Adviser Clarita Carlos na magpadala ng note verbale sa China.
Ayon kay DND officer-in-charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., pabor sila sa mga diplomatic efforts para maayos ang sigalot nang hindi napalalala ang tensyon sa pagitan ng mga claimants.
Maliban pa rito, siniguro rin ng opisyal na makikipagtulungan sila sa iba pang ahensya ng Gobyerno para masigurong mapo-protektahan ang mga residenteng nakatira malapit sa area partikular sa Pag-asa Islands.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa umano ang imbestigasyon sa dalawang mga pangyayari sa West Philippine Sea kabilang na ang sapilitang pag-rekober sa mga debris, pati na rin ang narinig na pagpapasabog sa pinangyarihan ng insidente.
Sa huli, nanindigan si Faustino na mas pinaniniwalaan niya ang pahayag ng Philippine Navy – taliwas sa naging depensa ng Chinese Embassy na nagkaroon ng ‘friendly consultation’ sa pagitan ng China at mga tropa ng Pilipinas.
#
RELATED STORIES:
NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS
DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…