DOE, inanunsyo ang posibleng oil price rollback sa susunod na linggo

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na aasahan ang posibleng rollback sa mga produktong petrolyo kabilang na ang LPG sa susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, magkakaroon din ng tapyas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene.

Posibleng bumaba ng P1.80 hanggang P2.10 ang presyo ng diesel kada litro habang P1.10 hanggang P1.30 per liter naman sa gasolina.

Samantala, sinabi din ng oil industry source na aabot naman sa P5 per kilogram ang magiging bawas-presyo sa LPG. || ARGIE ERGINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *