DOH- COVID cases sa 14 mula sa 17 lugar sa NCR, bahagyang tumaas

Naitala ng Department of Health minor increase sa mga kaso ng COVID-19 sa 14 na mga lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bahagyang pagtaas sa mga kaso ay hindi naman maikokonsiderang “significant” sa ngayon.

Nilinaw rin ni Vergeire na hindi naman tumaas ang severe at critical cases.

Dagdag ng DOH official na isa sa mga factors na naka-contribute sa pagtaas ng infections ay ang presensya ng mas nakakahawang Omicron subvariants, at ang bumababang immunity, dahil marami pang eligible Filipinos ang hindi pa naturukan ng booster shots.

Samantala, kinumpirma rin nito na ang Quezon City ay kasalukuyang nakakaranas ng uptick sa mga kaso. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *