DOH: Ilang lugar di pa maisasailalim sa Alert Level 1, dahil…

Ipinaliwanag ng Department of Health na hindi pa ang buong Pilipinas naisasailalim sa mas maluwag na Alert Level 1, dahil may mga lugar pa umano na kailangang paigtingin ang kanilang COVID-19 vaccination coverage.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, may 57 areas na hindi pa nade-deescalate, dahil hindi pa nila naabot ang target para sa vaccination.

Mababatid na kailangang mabakunahan ng mga local governments ang 80% ng senior citizens at 70% ng kanilang buong populasyon, para maging kwalipikado para sa Alert Level 1.

Kaugnay nito, binigyang diin rin ni Vergeire ang kahalagahan ng mataas na vaccination rates para matiyak na ang populasyon ay sapat na maprotektahan, kahit nagluluwag na ng restrictions.

Sa ngayon, nasa 200 lugar sa buong bansa kabilang na ang Metro Manila ang nasa ilalim sa Alert Level 1 hanggang sa April 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *