DOH, muling nagtala ng 1,323 new COVID-19 cases

Muling nagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na kaso ng Covid-19 na nasa 1,323 nitong Linggo.

Base sa datos ng DOH, umabot na sa 9,703 ang mga aktibong kaso sa bansa na dating 9,105 nitong Sabado.

Umakyat naman sa 60,592 ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit kung saan nasa 14 na mga pasyente ang naidagdag dito.

Samantala, nasa 3,637,976 na ang total recoveries habang nasa 3,708,271 naman ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *