DOH, nagtala ng 3,788 new COVID cases, total tally, sumipa pa sa higit 3.6-M

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,788 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang nationwide tally sa 3,630,637.

Mula sa kabuoang bilang, 2.5% o 91,147 pa ang active cases, kung saan 83,145 ang mayroong mild symptoms; 3,261 ang walang sintomas; 2,986 ang nasa moderate condition; 1,443 ang may severe symptoms; at 312 ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, tumaas pa ang death toll sa 54, 854 o 1.51% ng lahat ng infections, matapos na pumanaw ang 72 pasyente.

Sa harap nito, may 5,652 na mga bagong gumaling mula sa viral illness, dahilan paran tumaas ang recovery count sa 3,484,636 o 96% ng total cases.

Samantala, isang laboratoryo lang ang hindi nakasumkta ng kanilang datos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *