DOH, nagtala ng 4,575 new COVID-19 cases, habang 94 fatalities

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,575 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 3,627,575.

Mula sa kabuoang tally, 2.6% o 93,307 ang active cases, kung saan 85,244 ang mayroong mild symptoms; 3,316 ang walang sintomas, 2,991 ang nasa moderate condition; 1,444 ang may severe symptoms; at 312 ang nasa krtikila na kondisyon.

Kaugnay nito, tumaas ang death toll sa 54,783 o 1.51% ng lahat ng infections, matapos na pumanaw ang 94 pang pasyente.

Samantala, 7,504 pang pasyente ang gumaling mula sa naturang sakit, dahilan para umakyat ang recovery count sa 3,479,485.

Hindi naman nakasumite ng kanilang datos ang limang laboratoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *