DOH, nagtala ng mababang COVID active cases sa halos 100K nalang

Nagtala ang Department of Health ng 3,651 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas pa ang kabuoang infections sa 3,623,176.

Pero sa kabila nito, bumaba naman ang active case tally 96,326.

Ayon sa DOH, 12,834 pang pasyente ang gumaling mula sa infection, kaya tumaas ang total recoveries sa 3,472,160.

Sa gitna naman nito, 69 na mga pasyente ang mga bagong nasawi dahil sa naturang sakit, dahilan para umakyat ang death toll sa 54,690.

Sinabi ng ahensya na sa bagong datos, ang Western Visayas ang top contributing region sa 523 infections, kung saan nalampasan nito ang Metro Manila na mayroong lang 484. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *