DOH, nagtala ng pinamakababang COVID cases para ngayong taon sa 3,574

Nagtala ang Department of Health ng 3,574 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang single day rise ngayong taon.

Mababatid na ang pinakamababang daily count noong nakaraang taon ay naitala naman noong Dec. 31 sa 2,961.

Sa gitna nito, nilinaw ng DOH na hindi pa nila natanggap ang datos mula sa anim na testing laboratories, na may average na 2.1% ng mga samples na sinuri at 3% ng positive results sa nakalipas na 14 na araw.

Dahil dito, ang total cases ay pumalo na sa 3,619,633, kung saan 105,550 o 2.9% ang active infections.

Samantala, tumaas naman an death toll sa 54,621, dahil sa 83 pang fatalities, habang ang recoveries ay tumalon sa 3,459,462, matapos makarekober ang 14,644 pang pasyente mula sa viral disease. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *