DOH, walang naitalang COVID fatalities dahil sa technical problem

Nagtala ang Department of Health ng 3,050 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na pang ikatatlong sunod na pagkakataon na nanatili ang single-day count sa 3,000 mark.

Dahil dito, tumaas ang total tally sa 3,637,280, kung saan 2.2% o 81,394 ang active cases.

Sa gitna nito, dumami rin ang mga recoveries sa 3,500,956, dahil sa 5,811 na mga bagong survivors, habang nanatili ang death toll sa 54,930.

Hindi kasi napagtala ang DOH ng mga bagong fatalities dahil sa technical issues sa pagkuha ng mga datos sa COVIDKaya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *