DOH, walang nakikitang paglobo ng COVID-19 cases ngayong Holiday season

Pinawi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang pangamba ng publiko hinggil sa posibilidad ng muling pagdami ng COVID-19 infections sa bansa matapos ma-detect ang 16 na kaso ng BQ.1 Omicron subvariant sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Vergeire na hindi na nila inaasahan ang ‘significant increase’ sa bilang ng mga maitatalang kaso ngayong Holiday season.

Ito aniya ay kung magpapatuloy pa rin ang mga Pilipino sa pagsunod sa mga health protocols at pag-protekta sa kanilang mga sarili.

Ani Vergeire, hindi dapat mag-panic lalo na’t normal lang ang pagmu-mutate ng mga virus.

Sa kabila nito, lumabas naman sa projections ng FASSSTER na kung mababa ang compliance ng publiko sa health standards ay maaaring makapagtala ng 3,172 cases kada araw – doble ito sa average na higit 1,200 daily cases sa ngayon.

Sa huli, tiniyak ni Vergeire na handa ang mga healthcare facilities para sa pinangangambahang COVID-19 wave.

Sa katunayan, non-COVID patients na raw ang nag-ookupa sa 75 hanggang 80% mga ospital sa ngayon.

Sakali mang makakita ng pagtaas sa utilization rate ng mga pasilidad – handa umano silang magkaroon ng adjustments para ma-accomodate ang pangangailangan ng mga pasiyente.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *