DOJ, pinai-inhibit sa Degamo slay case probe

Pormal nang naghain ng urgent motion to inhibit ang kampo ni suspended Rep. Arnie Teves para alisin ang Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon ng Degamo slay case.

Isinumite na ito ngayong umaga nina Atty. Ferdinand Topacio kung saan, iginigiit nilang ang Ombudsman dapat ang dumidinig at nag-iimbestiga sa kaso.

Anila, ang Ombudsman probe lang ang makapagsisigurong magiging independent ang imbestigasyon.

Sabi ng abugado, malinaw sa mga media statements ni Justice Sec. Remulla na pine-prejudge na si Teves na guilty sa kaso.

Giit ni Topacio, hindi naman nagsisilbi sa ilalim ng Pangulo ang Ombudsman, at wala rin itong ambisyong tumakbo sa pulitika.

Ang tangi lang daw makapagpapatalsik sa Ombudsman ay sa pamamagitan ng impeachment.

Bago ito, nabanggit pa sa hiwalay na panayam kay Topacio na baka mapauwi pa ng bansa si Teves sakaling mag-inhibit na ang DOJ sa imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *