DOJ: SJO2 Zulueta, buhay at hindi patay! ; Kampo ni Bantag, natanggap na ang subpoena

May ipormasyon na ang Department of Justice para sa kinaroroonan ng isa sa mga suspek sa Lapid slay case na si Bureau of Corrections deputy security officer (SJO2) Ricardo Zulueta.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Justice Secretary Remulla na na-inform na sila sa mga posibleng lugar kung saan matatagpuan ang isa sa mga nali-link sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid, at ang middleman na si Jun Villamor.

Sa ngayon, hindi pa rin umano nakalalabas ng bansa si Zulueta, at si suspended BuCor director general Gerald Bantag.

Samantala, kinumpirma rin ni Remulla na wala sa records ng ATOM corporation ang pagdo-donate ng higit sa 200 ektarya ng lupain sa Nueva Ecija.

Matatandaaang ang naturang kumpanya ang naka-joint venture ng BuCor para sa excavation project sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa huli, iniimbestigahan na rin umano ang pinagdalhan ng mga lupang hinukay sa area na matatandaaang ginawa umano para sa isang scuba diving pool – na kalaunan naman ay kinumpirmang para raw sa paghahanap sa Yamashita Treasure.

Kaugnay nito, humarap na ang abugado ni Bantag sa DOJ na si Atty. Rocky Balisong para kuhain ang kanilang subpoena para sa pagpapadalo sa kanila sa preliminary investigation.
#

RELATED STORIES:

Bantag, naghukay para sa Yamashita treasure?

Justice Secretary Remulla, itinangging siya ang nag-utos na tirahin ni Lapid si Bantag

Kampo ni suspended BuCor chief Bantag, nanindigang hindi pa ‘served’ ang subpoena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *