DOLE REGION 2, Nasungkit ang 3 parangal sa ginanap ng 21st National PESO Congress

Nasungkit ng Department of Labor and Employment Regional Field office at field offices ang tatlong parangal sa two-day 21st National PESO Congress na sinimulan kahapon September 23, 2021.

Ito ay sa ilalim ng dalawang kategorya na kinabibilangan ng Best Public Employment Service Office (PESO) Awards at COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) Bayanihan Awards.

Pinarangalan ng Best PESO awards ang PESO City of Ilagan sa ilalim ng Component and Independent Component City PESO Category.

Habang nasungkit naman ng PESO LGU San Mariano ang award sa 1st-2nd Class Municipality PESO Category.

Ang naturang parangal ay sinalihan ng lahat ng opisina ng PESO sa bansa na nagbibigay ng dekalidad at disenteng trabaho sa kanilang mga kliyente.

Samantala, nasungkit naman ng DOLE-Nueva Vizcaya Field Office (NVFO) ang top prize sa Light Category ng CAMP Bayanihan Awards kung saan nakitang maayos ang implementasyon ng CAMP o pagbibigay ng one-time financial support na 5,000 pesos sa mga naapektuhang workers sa formal sector.

Kinilala naman ni DOLE RO2 Regional Director Joel Gonzales ang serbisyo ng regional at field office staff maging ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *