DSWD 2nd district, nagpaliwanag kaugnay ng isyung mayroong mga na-block na atm cards na pagmamay-ari ng senior citizens para sa kanilang social pension

Nagbigay-paliwanag ang focal person ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikalawang distrito ng Albay kaugnay ng isyu at reklamong mayroon umanong na-block na mga ATM cards na pagmamay-ari ng mga senior citizens.

Sinabi ni Juvie Ann Gonzalez ng nasabing opisina sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na ang nasabing insidente ay sa ilalim ng unconditional cash transfer (UCT) ngunit nakadepende sa kung anong LGU nabibilang ang isang senior citizen.

Aniya, dahilan nito ay kapag tatlong beses na mali ang na-enter nilang pin.

Dagdag pa niya, mayroong activation period ang nasabing cards kung saan kinakailangang ma-activate ang mga ito sa loob ng tatlong araw pagkatapos itong maisyu.

Siniguro naman ni Gonzales na inirereport umano nila sa anumang branch ng Landbank kapag mayroong gayong insidente, at inactivate ulit ito ng nasabing bangko upang makuha ang laman ng cash card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *