DTI-Bicol, may apela sa mga negosyante kasunod ng na-monitor na pagtaas sa presyo ng mga de-lata sa ilang merkado publiko sa rehiyon

BICOL – UMAPELA ngayon ang Department of Trade and Industry o DTI-Bicol sa mga negosyante sa rehiyon na huwag salamantalahin ang sitwasyon kasunod ng na-monitor na bahagyang pagtaas ng presyo ng ilang mga canned goods.

Sa huling datus ng ahensya, nagsimula ang paggalaw ng presyo ng mga de lata simula noong bagong taon at nitong lamang linggo ay muli na namang na-monitor ang pagtaas ng suggested retail price o srp nito.

Paliwanag ni DTI-Bicol Regional Director Rodrigo Aguilar, posible umanong tumaas ang presyo dahil sa inputs pero magdedepende pa rin umano ito sa mga negosyante.

Aniya, iba ang cost of goods sold at cost of good manufactured. May mga pagkakataon aniya na imbes na ipasa sa consumers, ang negosyante ang bumabalikat ng additional cost kung kayat nababasawasan ang kanilang profit margin. Ang cost of goods sold at profit margin aniya ang nagdedetermina ng selling price ng isang produkto.

Gayunpaman, umapela ito sa mga negosyante na huwag abusuhin o samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon kung saan biglaan ang pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin na sinabayan pa ng produktong petrolyo.

Paalala nito, nasa krisis ang bansa at patuloy pang humaharap sa hamon ng pandemya kung kaya’t dapat lamang din na maging patas sa parehong panig.

Samantala, hinikayat din nito ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan oras na may ma-monitor na mga tindahan o establisyemento na sangkot sa overpricing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *