DTI – Personal care, outdoor, dine-in services, ban parin sa ilalim ng MECQ

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling ban ang outdoor dining at dining services sa harap ng pagshift ng National Capital Region (NCR) at Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula August 21 hanggang 31, 2021.

Ayon kasi kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang naturang mga aktibidad ay ikinokonsiderang “high-risk”.

Sa ilalim ng DTI Advisory No.21-16, series of 2021, na inilabas noong August 6, ang al fresco dining ay pinapayagan sa 50% venue capacity habang ang indoor dine-in services ay pinapayagan sa 10%.

Pero giit ni Lopez, ang outdoor at in-door dining ay maituturin paring high-risk activities sa gitna ng banta ng Delta variant.

Sa gitna nito, 100% naman na pinapayagan ang takeout at delivery services sa ilalim ng MECQ.

Samantala, ang personal care services gaya ng mga beauty salons, na unang pinapayagan sa 30% sa ilalim ng MECQ, ay pinagbabawalan narin, habang ang mga non-essential retail trade establishments ay pinapayagan sa 50% venue capacity sa ilalim ng MECQ, ganun rin ang iba pang manufacturing activities. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *