Duque, hindi pa kumbinsidong isailalim ang NCR sa Alert Level 1

Hindi pa kumbinsido si Health Secretary Francisco Duque III na mas lalo pang babaan ang Alert Level para sa COVID-19 sa National Capital Region, dahil ito ay nasa moderate risk pa.

Ayon kay Duque, bagama’t ang NCR ay mayroong negative 2-week growth rate sa -83%, nananatili naman umanong mataas ang average daily attack rate.

Paliwanag ng kalihim, maari lang ma-deescalate ang rehiyon sa alert level one, sa oras na bumaba ang ADAR sa below 7 per 100,000 population.

Samantala, ang bed utilization rate naman umano sa rehiyon ay nasa 28%, habang ang ICU utilization rate ay nasa 32.28%, na ibig sabihin ay mababa na.

Una nang sinabi ng OCTA Research group na ang NCR ay nasa “low risk” na para sa COVID-19 transmission, matapos na patuloy ang pag-ganda ng sitwasyon sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *