Duterte: Jet ski promise, ‘pure campaign joke’ lang

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang pangako noong 2016 na sasakay sa jet ski papuntang Spratly Islands at itatanim doon ang watawat ng Pilipinas, para igiit sa China ang claim, ay isa lang “pure campaign joke.”

Sa kanyang regular public address, binigyang diin pa ni Duterte na ang mga maniniwala sa naturang pahayag ay “stupid.”

Ang pahayag ni Duterte, ay matapos na balikan ng mga kritiko nito ang kanyang pronoucement noong presidential debate kaugnay sa pag-angkin sa WPS.

Ang isyu ay nag-ugat nang sabihin ng pangulo na ang 2016 arbitral award na pumapabor sa exclusive economic zone ng Pilipinas laban sa historical claims ng China ay isa lang “scrap of paper” na pwede niya umanong itapon sa basurahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *