Duterte, nangako ng P2-B aid sa Bohol

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng P2-billion na tulong sa Bohol, kung saan 63 katao ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Dec. 16.

Ayon sa Office of the Presidential Assistance in the Visayas (OPAV), ang P1 billion na ayuda ay mapupunta sa local government units ng probinsya, habang ang isa pang P1 billion ay mapupunta naman sa national government agencies na inatasan sa rehabilitation works.

Kaugnay nito, ang National Housing Authority ay magbibigay ng P5,000 hanggang P30,000 na shelter assistance para sa bawat biktima ng bagyo, depende sa severity ng danyos.

Sinabi ng pangulo na ang pagkain at tubig ay ibibigay sa lalong madaling panahon.

Mababatid na ang pangulo kasama si Senator Bong Go ay lumipad papuntang Bohol para mag-inspect sa danyos na dulot ng naturang bagyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *