E- center ng SSS Daet branch handang mag- assist sa mga miyembro na hindi computer literate upang masiguro na protektado ang kanilang data

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Social Security System (SSS) na nakahanda itong tumulong o mag- assist sa mga miyembro na hindi gaanong marunong sa computer.

Ito ay upang maka- avail sa kanilang online services lalo na ang mga nasa informal sector.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, mayroon silang E- center sa opisina upang mag assist sa mga miyembro at tulungan sila kung paano maka- avail ng online services.

Mas mainam aniya ito upang masiguro na mapoprotektahan ang data privacy ng miyembro.

Posible kasing malagay sa alanganin ang data ng isang indibidwal kung sa mga  computer shop o internet cafĂ© ito gagawin na marami ang gumagamit.

Gayunman, kailangan aniya na pumila  o mag appointment ang mga miyembro dahil tatlong computer lang ang available sa kanilang E- center.

Sa ngayon kasi ay karamihan sa mga transaction sa SSS ay naka online na kaya nahihirapan ang mga hindi gaanong marunong sa computer.

Samantala, hanggang Pebrero 14 na lang ang availment period ng Pandemic Relief and Restructuring Programs (PRRP

Kaya naman nagpaalala ang SSS sa mga miyembro nito na mayroong pagkakautang na hindi nababayaran at patuloy na lumalaki ang interest at penalty na i- avail na ang programa.

Ang mga miyembro na mayroong pagkakautang ay maaaring mag apply online at kailangang updated ang contact information.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *