EARIST, nirepaso ang enrollment policy

Nagkaayos na ang pamunuan ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at student leaders sa usapin na umano’y puwersahan na pagpapagupit sa isang transgender student bilang requirement para makapag-enroll.

Kabilang sa napagkasunduan ay hindi na magiging hadlang sa enrollment process kahit gaano pa man kahaba ang buhok ng mga estudyante.

Nirepaso na rin ang uniform policy at tiniyak ng pamunuan ng paaralan na iiiral ang gender sensitivity.

Makikipag-ugnayan ang student leaders at LGBT community sa Commission on Higher Education (CHED) para gawing pormal at maging modelo ang polisiya sa iba pang unibersidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *